Tinagong Kalat
Dahil sa habagat na ‘to,
Nakita ng Pilipino
Ang basura’t anu-ano
Sa harap lang nakatago.
Nariyan sa isip niya
Na ang basura ay kanya.
Ngunit, huwag magalala
Ikaw ay ‘di nag-iisa.
Tagong Alat
Ang wika rin may sikreto,
Puno ng alat at baho.
Pero, hindi naman tago.
Titi, kantot, tarantado.
Tulad ng mga kalat at basurang ikinahihiyang angkinin at
lumalabas lang tuwing umuulan nang malakas o bumabagyo, may mga salita sa wika
na mabaho pakinggan. Hindi natin
puwedeng basta-basta alisin sa ating utak ang mga salitang ito dahil ginagamit
sila araw-araw kahit na kahiya-hiya silang sabihin.
Para sa maikling entry, marami pang di pagsunod dito sa ating "Checklist" tulad ng pagbubuo ng pandiwa (halimbawa, "Itinago," hindi "Tinago"), paglalagay ng gitling (halimbawa, "mag-alala," hindi "magalala"), tamang baybay ng nag-uulit na salita (halimbawa, "ano-ano," hindi "anu-ano"), at iba pa. Isa pa, hindi nagtutugma ang mga taludtod dahil may mga salitang may impit at mayroong walang impit. Tiyaking nasusunod ang ating "Checklist" bago muling magpasa ng entry sa akin. Salamat!
ReplyDelete