Sunday, August 26, 2012

Mga Haiku Tungkol sa Pinakamahirap na Long Test sa Buong Buhay Ko (Sa Ngayon)


Ubos ang oras
Sa unang bilang pa lang.
Walang pag-asa.

Tapos na ang draft.
Tapos na rin ang oras.
Bitin na bitin.

Hindi ka ligtas.
Kalahati  ay tapos,
‘Di pa rin sapat.

Lahat binasa.
Pero, hindi kinaya.
Sayang ang pagod.



Sunday, August 19, 2012

Pagpapakamatay


Regular
Ayaw ko nang mabuhay.
Trabaho’y walang saysay.
Kahit na anong gawin,
Ang sagot ay putulin.

Relihiyoso A
Alam kong kasalanan,
Imp’yerno’y pupuntahan.
Nagawang salang mortal,
Kaya pa ba ng dasal?

Relihiyoso B
Buhay  ay  ibinuhos,
Dangal sa aking Diyos.
Sakripisyong maliit,
Gantimpalang malupit.



Sunday, August 12, 2012


Tinagong Kalat

Dahil sa habagat na ‘to,
Nakita ng Pilipino
Ang basura’t anu-ano
Sa harap lang nakatago.

Nariyan sa isip niya
Na ang basura ay kanya.
Ngunit, huwag magalala
Ikaw ay  ‘di nag-iisa.

Tagong Alat

Ang wika rin may sikreto,
Puno ng alat at baho.
Pero, hindi naman tago.
Titi, kantot, tarantado.


Tulad ng mga kalat at basurang ikinahihiyang angkinin at lumalabas lang tuwing umuulan nang malakas o bumabagyo, may mga salita sa wika na mabaho pakinggan.  Hindi natin puwedeng basta-basta alisin sa ating utak ang mga salitang ito dahil ginagamit sila araw-araw kahit na kahiya-hiya silang sabihin.