Sunday, September 23, 2012

Himagsik ng Mag-aaral na Binasa ang "Himagsik ng mga Puno"

Part I:
Mga entri n'ya,
'Di ko maintindihan.
Lasing ata s'ya.

Part II:
Tulang binasa,
Wala ring koneksiyon.
Nakakaloka.

Part III:
Kahit may k'wento,
Halos kalokohan lang.
Tarantado 'to.



Sunday, September 2, 2012

Paano Gumawa ng Jornal para sa Fil14


Bago Gumawa ng Jornal:
Simula lang ng linggo,
May panahon pa ako.
Mamaya na lang gawin,
May iba pang tungkulin.

Habang Gumagawa ng Jornal:
May ilang minuto pa
Para ito'y ipasa.
‘Di ako sigurado
Kung maayos na ito.

Pagkatapos Ipasa ang Jornal:
Tula'y naipasa na.
Bahala na ang marka.
Babawiin ko ito
Sa susunod na linggo.