Regular
Ayaw ko nang mabuhay.
Trabaho’y walang saysay.
Kahit na anong gawin,
Ang sagot ay putulin.
Relihiyoso A
Alam kong kasalanan,
Imp’yerno’y pupuntahan.
Nagawang salang mortal,
Kaya pa ba ng dasal?
Relihiyoso B
Buhay ay ibinuhos,
Dangal sa aking Diyos.
Sakripisyong maliit,
Gantimpalang malupit.
Kailangan mong ayusin ang mga baybay, tulad ng Imp'yerno'y (may kudlit dahil may tinipil na titik). May suliranin din sa mga pandiwa: tulad ng sinugal at binuhos, na dapat ay isinugal at ibinuhos––at masisira ang sukat kapag ginawa iyon kaya kailangang ayusin ang buong taludtod. Binibigyan kita ng pagkakataong ayusin ito bago muling ipasa sa akin. Salamat!
ReplyDeleteBinibigyan kita ng isang markang pagtaas para rito, GJ. Pagbati!
ReplyDeleteSalamat po, sir!
ReplyDelete