Bago Gumawa ng Jornal:
Simula lang ng linggo,
May panahon pa ako.
Mamaya na lang gawin,
May iba pang tungkulin.
Habang Gumagawa ng Jornal:
May ilang minuto pa
Para ito'y ipasa.
‘Di ako sigurado
Kung maayos na ito.
Pagkatapos Ipasa ang Jornal:
Tula'y naipasa na.
Bahala na ang marka.
Bahala na ang marka.
Babawiin ko ito
Sa susunod na linggo.
Sa susunod na linggo.
Simula lang NG linggo dapat sa unang taludtod. Ayusin din ang gamit ng pandiwang pasa: maipasa dapat at naipasa hindi mapasa at napasa. Sa huling tula, maaari rin kayang sundin ang rhyming scheme na aabb tulad sa unang dalawang tula? Kapag naisaayos na ito, saka muling ipasa sa akin ang link. Salamat!
ReplyDeleteBinibigyan kita ng isang markang pagtaas para rito, GJ! Pagbati!
ReplyDeleteSalamat po, sir!
ReplyDelete